Tanging Hiling

Tanging Hiling

Ang aking tanging hiling
Habang buhay ika’y kapiling
Ninanais sa bawat sandali
Ang iyong walang hanggang pag-ibig

Bukang liwayway ay simbolo ng pangako
Hanggang takip-silim hindi magbabago
Ang araw ay magsisilbing lagablab ng puso
Ulan ang sandigan ng pagpapapala mo

Kahit ano man ang mangyari
Sana ay ikaw lang ang mamahalin
Pangarap hanggang panalangin
Pagmamahal mo ay laging batid

Kay sayang isipin ikaw ay sa akin
Iaalay buong buhay na ika’y susundin
Kahit ano man ang mangyari
Dakilang Diyos ikaw lang at walang kapalit

Advertisements